-
Mateo 20:20-23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Pagkatapos, lumapit kay Jesus ang asawa ni Zebedeo+ kasama ang mga anak niya. Lumuhod* ito para makiusap.+ 21 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ano ang gusto mo?” Sumagot siya: “Kapag naroon ka na sa iyong Kaharian, paupuin mo sana sa tabi mo ang dalawa kong anak, isa sa kanan mo at isa sa kaliwa mo.”+ 22 Sumagot si Jesus: “Hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Kaya ba ninyong inuman ang kopa na malapit ko nang inuman?”+ Sinabi nila sa kaniya: “Kaya namin.” 23 Sinabi niya sa kanila: “Talagang iinuman ninyo ang aking kopa,+ pero hindi ako ang magpapasiya kung sino ang uupo sa kanan ko at sa kaliwa ko. Ang aking Ama ang magpapasiya kung para kanino ang mga puwestong iyon.”+
-
-
Lucas 11:49Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
49 Kaya naman, dahil sa karunungan ng Diyos, sinabi niya: ‘Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at apostol, at pag-uusigin nila at papatayin ang ilan sa mga ito,
-