-
Lucas 2:29-32Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 “Ngayon, Kataas-taasang Panginoon, maaari nang mamatay nang payapa ang iyong alipin;+ natupad na ang sinabi mo, 30 dahil nakita ko na ang isa na magdadala ng kaligtasan+ 31 na isinugo mo para makita ng lahat ng bansa,+ 32 isang liwanag+ na mag-aalis ng talukbong mula sa mga bansa+ at isang kaluwalhatian sa iyong bayang Israel.”
-
-
Gawa 18:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Nang makarating sina Silas+ at Timoteo+ mula sa Macedonia, naging abalang-abala si Pablo sa pangangaral ng salita para patunayan sa mga Judio na si Jesus ang Kristo.+ 6 Pero dahil patuloy nila siyang kinokontra at pinagsasalitaan nang may pang-aabuso, pinagpag niya ang damit niya+ at sinabi sa kanila: “Kasalanan ninyo anuman ang mangyari sa inyo.*+ Ako ay malinis.+ Ngayon, pupunta na ako sa mga tao ng ibang mga bansa.”+
-