Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 39:7-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 At nagustuhan si Jose ng asawa ng kaniyang panginoon at sinabi nito: “Sipingan mo ako.” 8 Pero tumanggi siya at sinabi sa asawa ng kaniyang panginoon: “Hindi na inaalam ng panginoon ko kung ano ang pinamamahalaan ko sa bahay niya, at ipinagkatiwala na niya sa akin ang lahat ng pag-aari niya. 9 Walang nakahihigit sa akin sa bahay na ito, at wala siyang ipinagkait sa akin maliban sa iyo, dahil asawa ka niya. Kaya paano ko magagawa ang napakasamang bagay na ito at magkasala nga laban sa Diyos?”+

  • 1 Corinto 6:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Hindi ba ninyo alam na ang mga di-matuwid ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos?+ Huwag kayong magpalinlang. Ang mga imoral,*+ sumasamba sa idolo,+ mangangalunya,+ lalaking nagpapagamit sa kapuwa lalaki,+ lalaking nagsasagawa ng gawaing homoseksuwal,*+ 10 magnanakaw, sakim,+ lasenggo,+ manlalait,* at mangingikil ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos.+

  • Efeso 5:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Dahil alam ninyo at naiintindihan ninyo na ang taong imoral,*+ marumi, o sakim,+ na katumbas ng sumasamba sa idolo, ay walang mamanahin sa Kaharian ng Kristo at ng Diyos.+

  • Colosas 3:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Kaya patayin ninyo ang mga bahagi ng inyong katawan*+ na umaakay sa seksuwal na imoralidad,* karumihan, di-makontrol na seksuwal na pagnanasa,+ nakasasakit na pagnanasa, at kasakiman, na isang uri ng idolatriya.

  • 1 Tesalonica 4:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Dahil kalooban ng Diyos na maging banal kayo+ at umiwas sa seksuwal na imoralidad.*+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share