-
Gawa 19:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Pero nang ayaw pa ring maniwala ng ilan* at patuloy nilang sinisiraan sa mga tao ang Daan,+ humiwalay siya sa kanila+ at isinama ang mga alagad, at araw-araw siyang nagpahayag sa awditoryum ng paaralan ni Tirano. 10 Dalawang taon niyang ginawa ito, kaya narinig ng lahat ng naninirahan sa lalawigan* ng Asia ang salita ng Panginoon, kapuwa ng mga Judio at Griego.
-