-
Gawa 9:17, 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Kaya umalis si Ananias at pumasok sa bahay na kinaroroonan ni Saul. Ipinatong niya rito ang mga kamay niya at sinabi: “Saul, kapatid, isinugo ako ng Panginoong Jesus, na nagpakita sa iyo sa daan habang papunta ka rito, para makakita kang muli at mapuspos ng banal na espiritu.”+ 18 Biglang may nalaglag na parang mga kaliskis mula sa mga mata ni Saul, at nakakita siyang muli. Tumayo siya at nabautismuhan.
-