-
Gawa 21:31-33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 Habang binubugbog nila siya para patayin, nabalitaan ng kumandante ng militar na nagkakagulo ang buong Jerusalem; 32 at agad siyang nagsama ng mga sundalo at opisyal ng hukbo papunta roon. Nang makita nila ang kumandante ng militar at ang mga sundalo, tumigil sila sa pagbugbog kay Pablo.
33 Lumapit ang kumandante ng militar at kinuha siya at iniutos na igapos siya ng dalawang tanikala;+ at itinanong nito sa mga tao kung sino siya at kung ano ang ginawa niya.
-