25 Kayo ang mga anak ng mga propeta at ang mga makikinabang sa pakikipagtipan ng Diyos sa inyong mga ninuno.+ Sinabi niya kay Abraham: ‘At sa pamamagitan ng iyong supling,* ang lahat ng pamilya sa lupa ay pagpapalain.’+
8 “Nakipagtipan din sa kaniya ang Diyos, at ang tanda ng tipang ito ay pagtutuli.+ Pagkatapos, naging anak niya si Isaac+ at tinuli niya ito nang ikawalong araw,+ at naging anak ni Isaac si Jacob,* at naging anak ni Jacob ang 12 ulo ng angkan.*