20 Pagkarinig nito, niluwalhati nila ang Diyos, pero sinabi nila sa kaniya: “Kapatid, alam mong libo-libo sa mga mananampalataya ay Judio, at lahat sila ay mahigpit na sumusunod sa Kautusan.+
14 at sa relihiyong Judaismo, mas masulong ako kaysa sa maraming kaedad ko sa aking bansa, dahil di-hamak na mas masigasig ako sa pagsasagawa ng mga tradisyon ng mga ninuno* ko.+