-
1 Pedro 4:10, 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Ang kaloob na tinanggap ng bawat isa sa inyo ay gamitin ninyo sa paglilingkod sa isa’t isa bilang mabubuting katiwala ng walang-kapantay* na kabaitan ng Diyos na ipinapakita sa iba’t ibang paraan.+ 11 Kung ang sinuman ay nagsasalita, magsalita siya na gaya ng naghahayag ng mensahe mula sa Diyos; kung ang sinuman ay naglilingkod, maglingkod siya na umaasa sa lakas na ibinibigay ng Diyos;+ para sa lahat ng bagay ay maluwalhati ang Diyos+ sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan ay sa kaniya magpakailanman. Amen.
-