-
2 Corinto 8:1-4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Ngayon, mga kapatid, gusto naming malaman ninyo kung ano ang nagawa ng walang-kapantay na kabaitan ng Diyos sa mga kongregasyon sa Macedonia.+ 2 Nagdurusa sila sa panahon ng matinding pagsubok. Pero kahit napakahirap nila, masayang-masaya pa rin sila at napakabukas-palad.* 3 Ibinigay nila ang lahat ng maibibigay nila,+ ang totoo, higit pa nga sa kaya nilang ibigay.+ At mapapatotohanan ko ito. 4 Sila pa mismo ang paulit-ulit na nakikiusap sa amin na payagan silang magbigay at makapaglingkod din sa mga banal.*+
-
-
2 Corinto 9:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 dahil alam kong handa kayong tumulong, at ipinagmamalaki ko sa mga taga-Macedonia na isang taon nang nakahanda ang Acaya, at ang buong-pusong pagsisikap ninyo ay nagpakilos sa karamihan sa kanila.
-