Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 24:2, 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Sinabi ni Abraham sa kaniyang lingkod, ang pinakamatanda sa sambahayan niya, na namamahala sa lahat ng pag-aari niya:+ “Pakisuyo, ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng hita ko, 3 at pasusumpain kita sa harap ni Jehova, ang Diyos ng langit at ang Diyos ng lupa, na hindi ka kukuha ng asawa para sa anak ko mula sa mga Canaanita, na naninirahan sa palibot natin.+

  • Deuteronomio 7:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Huwag kayong makipag-alyansa sa kanila sa pag-aasawa. Huwag ninyong ibigay ang inyong anak na babae sa anak nilang lalaki o kunin ang anak nilang babae para sa inyong anak na lalaki.+ 4 Dahil itatalikod nila sa akin ang inyong mga anak at maglilingkod ang mga ito sa ibang mga diyos;+ at lalagablab ang galit ni Jehova at agad kayong lilipulin.+

  • Nehemias 13:25, 26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Kaya sinaway ko ang mga Judiong iyon at isinumpa sila at sinaktan ang ilan sa mga lalaki+ at binunot ang kanilang buhok, at sinabi ko: “Sumumpa kayo sa Diyos na hindi ninyo ibibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalaki at hindi ninyo tatanggapin ang sinuman sa kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki o para sa inyong sarili.+ 26 Hindi ba ito ang dahilan kaya nagkasala si Haring Solomon ng Israel? Walang haring tulad niya saanmang bansa;+ minahal siya ng kaniyang Diyos+ at ginawang hari sa buong Israel. Pero kahit siya, nagkasala dahil sa mga asawang banyaga.+

  • 2 Corinto 6:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Huwag kayong makipagtuwang* sa mga di-sumasampalataya.+ Dahil puwede bang pagsamahin ang katuwiran at kasamaan?*+ O ano ang pagkakatulad ng liwanag at kadiliman?+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share