Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 6:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “‘At ito ang kautusan tungkol sa handog na mga butil:+ Kayong mga anak ni Aaron ang magdadala nito sa altar, sa harap ni Jehova.

  • Levitico 6:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Kakainin ni Aaron at ng mga anak niya ang matitira dito.+ Gagawin itong tinapay na walang pampaalsa at kakainin sa isang banal na lugar. Kakainin nila ito sa looban* ng tolda ng pagpupulong.+

  • Bilang 18:30, 31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 “At dapat mong sabihin sa kanila, ‘Kapag iniaabuloy ninyo ang pinakamainam sa mga iyon, ang matitira ay mapupunta sa inyo na mga Levita, na para bang iyon ay butil ng sarili ninyong giikan at alak mula sa inyong pisaan ng ubas at langis mula sa inyong pisaan para sa langis. 31 Puwede ninyo itong kainin kahit saan, kayo at ang inyong sambahayan, dahil iyon ay kabayaran para sa paglilingkod ninyo sa tolda ng pagpupulong.+

  • Deuteronomio 18:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 “Ang mga saserdoteng Levita, sa katunayan ang buong tribo ni Levi, ay hindi bibigyan ng bahagi o mana sa Israel. Kakainin nila ang mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy, na kaniyang mana.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share