-
1 Timoteo 6:3-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Kung may sinumang nagtuturo ng ibang doktrina at sumasalungat sa kapaki-pakinabang* na mga tagubilin+ mula sa ating Panginoong Jesu-Kristo o sa turo na kaayon ng makadiyos na debosyon,+ 4 mapagmalaki siya at hindi nakakaintindi.+ Gustong-gusto niyang makipagtalo at makipagdebate* tungkol sa mga salita.+ Dahil sa mga ito, nagkakaroon ng inggitan, pag-aaway, paninirang-puri,* masamang hinala, 5 walang-katapusang pagtatalo tungkol sa maliliit na bagay na pinasisimulan ng mga taong baluktot ang isip+ at hindi na nakauunawa sa katotohanan at nag-aakalang makakakuha sila ng pakinabang sa makadiyos na debosyon.+
-