-
Exodo 34:29, 30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 Pagkatapos, bumaba si Moises mula sa Bundok Sinai hawak ang dalawang tapyas ng Patotoo.+ Nang bumaba siya mula sa bundok, hindi alam ni Moises na nagliliwanag ang kaniyang balat sa mukha dahil sa pakikipag-usap niya sa Diyos. 30 Nang makita ni Aaron at ng lahat ng Israelita si Moises, napansin nilang nagliliwanag ang kaniyang balat sa mukha kaya natakot silang lumapit sa kaniya.+
-