-
Gawa 15:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 May ilang lalaking dumating mula sa Judea at nagturo sa mga kapatid: “Maliligtas lang kayo kung tutuliin kayo ayon sa Kautusan ni Moises.”+ 2 Pagkatapos magkaroon ng mainitang pagtatalo at di-pagkakasundo sa pagitan nila at nina Pablo at Bernabe, napagpasiyahan na papuntahin sa Jerusalem sina Pablo at Bernabe at ang iba pa para iharap ang usaping* ito sa mga apostol at matatandang lalaki.+
-