-
Roma 4:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Kaya nga sa pamamagitan iyon ng pananampalataya at sa gayon ay masasabing kapahayagan ng walang-kapantay na kabaitan;+ sa ganitong paraan, naging tiyak ang katuparan ng pangako sa lahat ng supling* niya,+ hindi lang sa mga nagsasagawa ng Kautusan kundi pati sa mga may pananampalatayang gaya ng kay Abraham, na ama nating lahat.+ 17 (Gaya nga ng nasusulat: “Inatasan kita bilang ama ng maraming bansa.”)+ Nangyari ito sa harap ng Diyos, na sinampalatayanan niya, na bumubuhay ng mga patay at tumatawag sa mga bagay na wala, na para bang umiiral ang mga iyon.*
-