39 Sa Kautusan ni Moises, hindi kayo maipahahayag na walang-sala sa lahat ng bagay,+ pero sa pamamagitan ng isang ito, ang bawat isa na naniniwala ay ipinahahayag na walang-sala.+
5Kaya ngayong ipinahayag na tayong matuwid dahil sa pananampalataya,+ panatilihin nawa natin* ang mapayapang kaugnayan sa Diyos, na natamo natin sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Kristo;+