-
1 Corinto 6:9-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Hindi ba ninyo alam na ang mga di-matuwid ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos?+ Huwag kayong magpalinlang. Ang mga imoral,*+ sumasamba sa idolo,+ mangangalunya,+ lalaking nagpapagamit sa kapuwa lalaki,+ lalaking nagsasagawa ng gawaing homoseksuwal,*+ 10 magnanakaw, sakim,+ lasenggo,+ manlalait,* at mangingikil ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos.+ 11 Ganiyan ang ilan sa inyo noon. Pero hinugasan na kayo at naging malinis;+ pinabanal na kayo;+ ipinahayag na kayong matuwid+ sa ngalan ng ating Panginoong Jesu-Kristo at sa espiritu ng ating Diyos.
-