28 Bigyang-pansin ninyo ang inyong sarili+ at ang buong kawan; inatasan kayo ng banal na espiritu para maging mga tagapangasiwa+ nila, para magpastol sa kongregasyon ng Diyos,+ na binili niya ng dugo ng sarili niyang Anak.+
25 Iniharap siya ng Diyos bilang handog na magsisilbing pampalubag-loob*+ sa pamamagitan ng pananampalataya sa dugo niya.+ Ginawa ito ng Diyos para ipakita ang katuwiran niya, dahil pinatawad niya ang mga kasalanan noon habang nagtitimpi siya.
9 At umaawit sila ng isang bagong awit:+ “Ikaw ang karapat-dapat kumuha sa balumbon at magbukas nito, dahil ikaw ay pinatay at sa pamamagitan ng dugo mo ay bumili ka ng mga tao para sa Diyos+ mula sa bawat tribo at wika at bayan at bansa,+