-
Galacia 2:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Tayo na mga ipinanganak na Judio, at hindi mga makasalanan mula sa ibang mga bansa, 16 ay nakaaalam na ang isang tao ay ipinahahayag na matuwid, hindi dahil sa pagsunod sa kautusan, kundi sa pamamagitan lang ng pananampalataya+ kay Jesu-Kristo.+ Kaya nananampalataya tayo kay Kristo Jesus para maipahayag tayong matuwid dahil sa pananampalataya kay Kristo at hindi sa pagsunod sa kautusan, dahil walang sinumang* maipahahayag na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan.+
-