-
Efeso 3:8, 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Ibinigay sa akin ang walang-kapantay na kabaitang ito,+ sa akin na mas mababa kaysa sa pinakamababa sa lahat ng banal,+ para maihayag ko sa mga bansa ang mabuting balita tungkol sa di-masukat na kayamanan ng Kristo 9 at para maipakita sa lahat kung paano pinangangasiwaan* ang sagradong lihim+ na napakatagal na itinago ng Diyos, na lumalang sa lahat ng bagay.
-