29 Kaya malugod ninyo siyang tanggapin gaya ng pagtanggap ninyo sa mga tagasunod ng Panginoon, at lagi ninyong pahalagahan ang gayong tao,+30 dahil muntik na siyang mamatay alang-alang sa gawain ng Kristo;* isinapanganib niya ang buhay* niya para may mag-asikaso sa akin kahit wala kayo rito.+
17 Ang matatandang lalaki na nangangasiwa sa mahusay na paraan+ ay dapat ituring na karapat-dapat sa dobleng karangalan,+ lalo na ang mga nagsisikap nang husto sa pagsasalita at pagtuturo tungkol sa salita ng Diyos.+
7 Alalahanin ninyo ang mga nangunguna sa inyo,+ na nagsabi sa inyo ng salita ng Diyos, at habang pinag-iisipan ninyo ang mabubuting resulta ng paggawi nila, tularan ninyo ang pananampalataya nila.+