Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Timoteo 4:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Gayunman, malinaw na sinasabi ng espiritu ng Diyos na sa hinaharap, may ilan na tatalikod sa pananampalataya at magbibigay-pansin sa mapanlinlang na pananalita na mula sa masasamang espiritu*+ at sa mga turo ng mga demonyo

  • 2 Timoteo 2:16-18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Pero iwasan mo ang walang-saysay na mga usapan na lumalapastangan sa kung ano ang banal,+ dahil ang mga ito ay aakay sa mas marami at mas masamang di-makadiyos na paggawi 17 at kakalat na tulad ng ganggrena.* Kasama sa mga nagpapakalat nito sina Himeneo at Fileto.+ 18 Lumihis sa katotohanan ang mga taong ito dahil sinasabi nilang nangyari na ang pagkabuhay-muli,+ at sinisira nila ang pananampalataya ng ilan.

  • 2 Timoteo 4:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Dahil darating ang isang yugto ng panahon kung kailan hindi na nila tatanggapin ang kapaki-pakinabang* na turo,+ kundi gaya ng gusto nila, papalibutan nila ang kanilang sarili ng mga guro na kikiliti sa mga tainga nila.*+

  • 2 Pedro 2:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Pero nagkaroon din ng huwad na mga propeta sa bayan, kung paanong magkakaroon din ng huwad na mga guro sa inyo.+ Ang mga ito ay palihim na magpapasok ng mapanirang mga sekta, at ikakaila pa nga nila ang nagmamay-ari at bumili sa kanila,+ at dahil dito ay agad silang mapupuksa.

  • 1 Juan 2:18, 19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Mga anak, ito na ang huling oras, at gaya ng narinig ninyo, ang antikristo ay darating,+ at marami na ngang lumitaw na antikristo maging sa ngayon,+ at dahil dito, alam nating ito na ang huling oras. 19 Lumabas sila mula sa atin, pero hindi natin sila kauri;*+ dahil kung kauri natin sila, nanatili sana silang kasama natin. Pero lumabas sila para mahayag na hindi lahat ay kauri natin.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share