29 Alam ko na pag-alis ko ay papasok sa gitna ninyo ang malulupit na lobo*+ na hindi makikitungo nang magiliw sa kawan, 30 at mula sa inyo mismo ay may lilitaw na mga taong pipilipit sa katotohanan para ilayo ang mga alagad at pasunurin sa kanila.+
18 Halimbawa, nabalitaan ko na kapag nagtitipon kayo sa kongregasyon, may pagkakabaha-bahagi sa gitna ninyo; at mukhang may katotohanan nga iyon. 19 Tiyak na magkakaroon din ng mga sekta sa gitna ninyo,+ at sa gayon ay makikilala ang mga taong may pagsang-ayon ng Diyos.
18 Mga anak, ito na ang huling oras, at gaya ng narinig ninyo, ang antikristo ay darating,+ at marami na ngang lumitaw na antikristo maging sa ngayon,+ at dahil dito, alam nating ito na ang huling oras.