13 At sinasalita rin natin ang mga ito, pero hindi gamit ang mga salitang mula sa karunungan ng tao.+ Gumagamit tayo ng espirituwal na mga salita, mga salitang itinuro ng espiritu,+ para ipaliwanag ang espirituwal na mga bagay.
19 Dahil ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan sa Diyos, gaya nga ng nasusulat: “Ang marurunong ay hinuhuli niya sa sarili nilang bitag.”*+
8 Maging mapagbantay kayo para walang bumihag* sa inyo sa pamamagitan ng pilosopiya at mapanlinlang at walang-saysay na mga ideya+ na ayon sa mga tradisyon ng tao at pananaw* ng sanlibutan, at hindi ayon kay Kristo;