-
Tito 1:5-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Iniwan kita sa Creta para maayos mo ang mga bagay na kailangang ituwid* at makapag-atas ka ng matatandang lalaki sa bawat lunsod, ayon sa tagubilin ko sa iyo: 6 isang lalaki na malaya sa akusasyon, asawa ng isang babae, at may nananampalatayang mga anak na hindi mapaparatangan ng masamang pamumuhay* o pagrerebelde.+ 7 Dahil bilang katiwala ng Diyos, ang isang tagapangasiwa ay dapat na malaya sa akusasyon, hindi arogante,*+ hindi mainitin ang ulo,+ hindi lasenggo, hindi marahas,* at hindi sakim sa pakinabang, 8 kundi mapagpatuloy,+ laging gumagawa ng mabuti,* may matinong pag-iisip,*+ matuwid, tapat,+ may pagpipigil sa sarili,+ 9 at mahigpit na nanghahawakan sa mapananaligang mensahe* pagdating sa kaniyang paraan ng pagtuturo,+ para magawa niyang magpatibay* sa pamamagitan ng kapaki-pakinabang* na turo+ at sumaway+ sa mga kumokontra dito.
-