-
Gawa 2:29-32Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 “Mga kapatid, hayaan ninyong malaya kong sabihin sa inyo ang tungkol sa ulo ng angkan na si David—namatay siya at inilibing,+ at ang libingan niya ay nasa lunsod natin hanggang sa araw na ito. 30 Isa siyang propeta at alam niya na ang Diyos ay nangako* sa kaniya na isa sa mga supling* niya ang uupo sa kaniyang trono,+ 31 kaya nalaman niya nang patiuna ang pagkabuhay-muli ng Kristo at nagsalita siya tungkol dito, na ang Kristo ay hindi pababayaan sa Libingan* at hindi mabubulok ang katawan nito.+ 32 Binuhay-muli ng Diyos si Jesus, at saksi kaming lahat dito.+
-