Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Timoteo 1:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Kung paanong hinimok kitang manatili sa Efeso noong papunta ako sa Macedonia, hinihimok ulit kita ngayon, para masabihan mo ang ilan doon na huwag magturo ng ibang doktrina 4 o magbigay-pansin sa mga kuwentong di-totoo+ at sa mga talaangkanan. Walang pakinabang ang gayong mga bagay+ at nagbabangon pa nga ng mga pag-aalinlangan. Hindi kasama ang mga iyon sa mga paglalaan ng Diyos para mapatibay ang ating pananampalataya.

  • 1 Timoteo 6:3-5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Kung may sinumang nagtuturo ng ibang doktrina at sumasalungat sa kapaki-pakinabang* na mga tagubilin+ mula sa ating Panginoong Jesu-Kristo o sa turo na kaayon ng makadiyos na debosyon,+ 4 mapagmalaki siya at hindi nakakaintindi.+ Gustong-gusto niyang makipagtalo at makipagdebate* tungkol sa mga salita.+ Dahil sa mga ito, nagkakaroon ng inggitan, pag-aaway, paninirang-puri,* masamang hinala, 5 walang-katapusang pagtatalo tungkol sa maliliit na bagay na pinasisimulan ng mga taong baluktot ang isip+ at hindi na nakauunawa sa katotohanan at nag-aakalang makakakuha sila ng pakinabang sa makadiyos na debosyon.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share