-
Genesis 14:17-20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Nang makabalik si Abram matapos niyang talunin si Kedorlaomer at ang mga kasama nitong hari, sinalubong siya ng hari ng Sodoma sa Lambak* ng Save, na tinatawag ding Lambak ng Hari.+ 18 At si Melquisedec+ na hari ng Salem+ ay naglabas ng tinapay at alak; siya ay saserdote ng Kataas-taasang Diyos.+
19 Pagkatapos, pinagpala niya si Abram at sinabi:
“Pagpalain nawa si Abram ng Kataas-taasang Diyos,
Ang Maylikha ng langit at lupa;
20 At purihin ang Kataas-taasang Diyos,
Na nagbigay ng mga kaaway mo sa iyong kamay!”
At binigyan siya ni Abram ng ikasampu ng lahat ng bagay.+
-