-
Exodo 24:6-8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 At kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo at inilagay iyon sa mga mangkok, at ang isa pang kalahati ng dugo ay iwinisik niya sa ibabaw ng altar. 7 Pagkatapos, kinuha niya ang aklat ng tipan at binasa iyon nang malakas sa bayan.+ At sinabi nila: “Handa naming gawin ang lahat ng sinabi ni Jehova, at magiging masunurin kami.”+ 8 Kaya kinuha ni Moises ang dugo at iwinisik iyon sa bayan+ at sinabi: “Ang dugong ito ang nagbibigay ng bisa sa pakikipagtipan sa inyo ni Jehova ayon sa lahat ng bagay na narinig ninyo.”+
-