16 “Gayon na lang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan* kaya ibinigay niya ang kaniyang kaisa-isang Anak*+ para ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.+
17 Dahil sa pamamagitan nito, ang katuwiran ng Diyos ay naisisiwalat sa mga may pananampalataya at lalo pang napapatibay ang kanilang pananampalataya,+ gaya ng nasusulat: “Pero ang matuwid ay mabubuhay dahil sa kaniyang pananampalataya.”+