-
Genesis 27:27-29Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 Kaya lumapit siya at hinalikan ito, at naamoy nito ang amoy ng mga damit niya.+ At pinagpala siya nito at sinabi:
“Ang amoy ng anak ko ay tulad ng amoy ng parang na pinagpala ni Jehova. 28 Ibigay nawa sa iyo ng tunay na Diyos ang mga hamog ng langit+ at ang matatabang lupain sa lupa+ at ang kasaganaan ng butil at bagong alak.+ 29 Maglingkod nawa sa iyo ang mga bayan, at yumukod nawa sa iyo ang mga bansa. Maging panginoon ka sa iyong mga kapatid, at yumukod nawa sa iyo ang mga anak ng iyong ina.+ Sumpain ang lahat ng sumusumpa sa iyo, at pagpalain ang lahat ng humihiling na pagpalain ka ng Diyos.”+
-