10 Nang lumaki na ang bata, dinala ito ng babae sa anak ng Paraon, at naging anak niya ito.+ Pinangalanan niya itong Moises* at sinabi: “Dahil hinango ko siya sa tubig.”+
11 Nang mga panahong iyon, nang maging adulto na si Moises,* lumabas siya para malaman kung gaano kabigat ang trabahong ipinagagawa sa mga kapatid niyang Hebreo,+ at nakita niya ang isang Ehipsiyo na sinasaktan ang isa sa mga ito.