-
Daniel 3:23-25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 Pero ang tatlong lalaking ito, sina Sadrac, Mesac, at Abednego, ay bumagsak nang nakagapos sa nagniningas na hurno.
24 Natakot si Haring Nabucodonosor; agad siyang tumayo at sinabi niya sa kaniyang matataas na opisyal: “Hindi ba tatlong lalaki ang iginapos natin at inihagis sa apoy?” Sumagot sila: “Opo, O hari.” 25 Sinabi niya: “Tingnan ninyo! May nakikita akong apat na lalaki na naglalakad nang walang gapos sa gitna ng apoy; walang masamang nangyari sa kanila, at parang anak ng mga diyos ang ikaapat.”
-