-
Exodo 17:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Ang buong bayan ng Israel ay umalis sa ilang ng Sin+ at nagpatuloy sa paglalakbay, na humihinto sa iba’t ibang lugar ayon sa utos ni Jehova.+ Nagkampo sila sa Repidim.+ Pero walang tubig na mainom ang bayan.
2 Kaya nakipag-away ang bayan kay Moises,+ at sinabi nila: “Bigyan mo kami ng tubig na maiinom.” Pero sinabi ni Moises: “Bakit kayo nakikipag-away sa akin? Bakit lagi ninyong sinusubok si Jehova?”+ 3 Uhaw na uhaw roon ang bayan, at lagi silang nagbubulong-bulungan laban kay Moises+ at nagsasabi: “Bakit mo kami inilabas sa Ehipto para lang patayin kami sa uhaw, pati na ang mga anak at alagang hayop namin?”
-