Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 1:12, 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Gayunman, ang lahat ng tumanggap sa kaniya ay binigyan niya ng pagkakataong maging mga anak ng Diyos+ dahil nanampalataya sila sa pangalan niya.+ 13 At ipinanganak sila, hindi ng kanilang mga magulang o dahil sa kagustuhan ng mga ito, kundi dahil sa kagustuhan ng Diyos.+

  • Roma 8:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Alam natin na pinangyayari ng Diyos na magtulong-tulong ang lahat ng kaniyang gawa sa ikabubuti ng mga umiibig sa Diyos, ang mga tinawag ayon sa kaniyang layunin;+

  • Efeso 1:13, 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Pero umasa rin kayo sa kaniya nang marinig ninyo ang salita ng katotohanan, ang mabuting balita tungkol sa inyong kaligtasan. Nang manampalataya kayo, sa pamamagitan niya ay tinatakan kayo+ ng ipinangakong banal na espiritu, 14 na garantiya ng tatanggapin nating* mana,+ para mapalaya ang pag-aari ng Diyos+ sa pamamagitan ng pantubos,+ at sa gayon ay mapapurihan siya at maluwalhati.

  • 2 Tesalonica 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Pero lagi kaming nauudyukan na magpasalamat sa Diyos para sa inyo, mga kapatid na minamahal ni Jehova,* dahil sa simula pa lang ay pinili na kayo ng Diyos+ para maligtas. Naging posible ito dahil pinabanal niya kayo+ sa pamamagitan ng kaniyang espiritu at dahil nanampalataya kayo sa katotohanan.

  • 1 Pedro 1:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Dahil muli kayong isinilang,+ hindi sa pamamagitan ng nasisira, kundi ng di-nasisirang binhi,*+ sa pamamagitan ng salita ng buháy at walang-hanggang Diyos.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share