Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 15:7, 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 “Kung maghirap ang kapatid mo sa isa sa mga lunsod sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos, huwag mong patigasin ang puso mo o pagdamutan ang naghirap mong kapatid.+ 8 Dahil dapat kang maging bukas-palad sa kaniya,+ at pahiramin mo siya ng* anumang kailangan niya o kulang sa kaniya.

  • Mateo 25:35, 36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 Dahil nang magutom ako, binigyan ninyo ako ng makakain; nang mauhaw ako, binigyan ninyo ako ng maiinom. Tagaibang bayan ako, at pinatuloy ninyo ako sa bahay ninyo.+ 36 Hubad ako at dinamtan ninyo.+ Nagkasakit ako at inalagaan ninyo. Nabilanggo ako at dinalaw ninyo.’+

  • Lucas 3:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Sumasagot siya: “Ang taong may ekstrang* damit ay magbigay sa taong wala nito, at gayon din ang gawin ng taong may makakain.”+

  • Roma 12:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Magbigay kayo sa mga alagad* ayon sa pangangailangan nila.+ Maging mapagpatuloy kayo.+

  • 1 Timoteo 5:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Pero kung ang isang biyuda ay may mga anak o apo, sila muna ang dapat mag-alaga sa kanilang kapamilya bilang pagpapakita ng makadiyos na debosyon+ at pagtanaw ng utang na loob sa kanilang mga magulang at lolo’t lola,+ dahil kalugod-lugod ito sa Diyos.+

  • Santiago 1:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Ang uri ng pagsamba* na malinis at walang dungis sa paningin ng ating Diyos at Ama ay ito: alagaan ang mga ulila+ at mga biyuda+ na nagdurusa,+ at panatilihin ang sarili na walang bahid ng sanlibutan.+

  • 1 Juan 3:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Pero kung ang sinuman ay may materyal na mga bagay sa sanlibutang ito at nakikita niyang nangangailangan ang kapatid niya pero hindi siya nagpapakita ng habag dito, paano niya masasabing iniibig niya ang Diyos?+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share