12 Kung nasisiyahan ka sa buhay
At gusto mong magkaroon ng maraming maliligayang araw,+
נ [Nun]
13 Pigilan mo ang dila mo sa pagsasalita ng masama,+
Ang mga labi mo sa pagsasalita ng panlilinlang.+
ס [Samek]
14 Talikuran mo ang masama at gawin ang mabuti;+
Hanapin mo ang kapayapaan at itaguyod iyon.+
ע [Ayin]
15 Ang mga mata ni Jehova ay nakatingin sa mga matuwid,+
At ang mga tainga niya ay nakikinig sa paghingi nila ng tulong.+
פ [Pe]
16 Pero si Jehova ay laban sa mga gumagawa ng masama;
Buburahin niya ang lahat ng alaala sa kanila sa lupa.+