Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 13:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Gaya ng pagkilos ng mga tao kapag araw, kumilos tayo nang disente;+ umiwas tayo sa walang-patumanggang mga pagsasaya at paglalasingan, sa imoral na pagtatalik at paggawi nang may kapangahasan,*+ at sa pag-aaway at selos.*+

  • 1 Corinto 5:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Pero ngayon ay sinusulatan ko kayo na tigilan ang pakikisama+ sa sinumang tinatawag na kapatid pero imoral,* sakim,+ sumasamba sa idolo, manlalait,* lasenggo,+ o mangingikil,+ at huwag man lang kumaing kasama ng gayong tao.

  • Galacia 5:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Madaling makita ang mga gawa ng laman. Ang mga ito ay seksuwal na imoralidad,*+ karumihan, paggawi nang may kapangahasan,*+

  • Galacia 5:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 inggit, paglalasingan,+ walang-patumanggang pagsasaya, at mga bagay na tulad ng mga ito.+ Gaya ng nasabi ko na sa inyo noon, binababalaan ko ulit kayo na ang nagsasagawa ng gayong mga bagay ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos.+

  • Efeso 4:17-19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Kaya sa ngalan ng Panginoon, sinasabi ko sa inyo na huwag na kayong mamuhay gaya ng mga bansa,+ na namumuhay ayon sa kanilang walang-saysay na kaisipan.+ 18 Nasa dilim ang isip nila at malayo sila sa buhay na nagmumula sa Diyos dahil wala silang alam at manhid ang puso nila. 19 Dahil hindi na sila nakokonsensiya, hindi na sila mapigilan sa paggawi nang may kapangahasan*+ at ginagawa nila ang bawat uri ng karumihan nang may kasakiman.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share