3 Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Kristo. Dahil sa kaniyang dakilang awa, pinangyari niyang muli tayong maisilang+ tungo sa isang buháy na pag-asa+ sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli ni Jesu-Kristo,+
23 Dahil muli kayong isinilang,+ hindi sa pamamagitan ng nasisira, kundi ng di-nasisirang binhi,*+ sa pamamagitan ng salita ng buháy at walang-hanggang Diyos.+
9 Ang bawat isa sa mga anak ng Diyos ay hindi namimihasa sa kasalanan,+ dahil ang binhi* Niya ay nananatili sa isang iyon, at hindi siya mamimihasa sa kasalanan, dahil siya ay anak ng Diyos.+