-
Hebreo 6:4-6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Dahil tungkol sa mga naliwanagan noon+ at nakatikim ng walang-bayad na kaloob mula sa langit at naging kabahagi sa banal na espiritu 5 at nakatikim ng mabuting salita ng Diyos at mga pagpapala* ng darating na sistema,* 6 pero tumalikod sa pananampalataya,+ imposibleng mapanumbalik sila para magsisi, dahil muli nilang ipinapako sa tulos ang Anak ng Diyos at inilalagay siya sa kahihiyan sa harap ng mga tao.+
-
-
Apocalipsis 21:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Pero para naman sa mga duwag at sa mga walang pananampalataya+ at sa mga kasuklam-suklam at marumi at sa mga mamamatay-tao+ at sa mga namimihasa sa* seksuwal na imoralidad*+ at sa mga nagsasagawa ng espiritismo at sa mga sumasamba sa idolo at sa lahat ng sinungaling,+ ihahagis sila sa lawa na nagniningas sa apoy at asupre.+ Sumasagisag ito sa ikalawang kamatayan.”+
-