Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Apocalipsis 8:7, 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Hinipan ng una ang trumpeta niya. At umulan sa lupa ng yelo* at apoy na may halong dugo;+ at nasunog ang sangkatlo ng lupa, at nasunog ang sangkatlo ng mga puno, at nasunog ang lahat ng berdeng pananim.+

      8 Hinipan ng ikalawang anghel ang trumpeta niya. At isang bagay na gaya ng isang malaking bundok na nagliliyab ang inihagis sa dagat.+ At ang sangkatlo ng dagat ay naging dugo;+

  • Apocalipsis 8:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Hinipan ng ikatlong anghel ang trumpeta niya. At isang malaking bituin na nagniningas na gaya ng lampara ang nahulog mula sa langit, at nahulog ito sa sangkatlo ng mga ilog at sa mga bukal ng tubig.+

  • Apocalipsis 8:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Hinipan ng ikaapat na anghel ang trumpeta niya. At ang sangkatlo ng araw ay hinampas+ at ang sangkatlo ng buwan at ang sangkatlo ng mga bituin, para ang sangkatlo sa kanila ay magdilim+ at hindi magkaroon ng liwanag sa sangkatlo ng maghapon, at ganoon din sa gabi.

  • Apocalipsis 9:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Hinipan ng ikalimang anghel ang trumpeta niya.+ At nakita ko ang isang bituin na nahulog sa lupa mula sa langit, at ibinigay sa kaniya ang susi sa hukay ng kalaliman.+

  • Apocalipsis 9:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Hinipan ng ikaanim na anghel+ ang trumpeta niya.+ At narinig ko ang isang tinig mula sa mga sungay ng gintong altar+ na nasa harap ng Diyos;

  • Apocalipsis 11:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Hinipan ng ikapitong anghel ang trumpeta niya.+ At may malalakas na tinig sa langit na nagsasabi: “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging Kaharian ng ating Panginoon+ at ng kaniyang Kristo,+ at maghahari siya magpakailanman.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share