Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 13:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Humagulgol kayo, dahil ang araw ni Jehova ay malapit na!

      Wawasakin ng Makapangyarihan-sa-Lahat ang lupain.+

  • Jeremias 25:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 “‘At ang mapapatay ni Jehova sa araw na iyon ay mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa. Hindi sila hahagulgulan o titipunin o ililibing. Magiging gaya sila ng dumi sa ibabaw ng lupa.’

  • Ezekiel 30:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Dahil ang araw ay malapit na, oo, malapit na ang araw ni Jehova.+

      Magdidilim ang ulap sa araw na iyon,+ ang itinakdang panahon para sa mga bansa.+

  • Joel 1:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Nakakatakot ang araw na iyon!

      Malapit na ang araw ni Jehova;+

      At pagdating nito, kikilos ang Makapangyarihan-sa-Lahat para pumuksa!

  • Joel 2:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 “Hipan ninyo ang tambuli sa Sion!+

      Sumigaw kayo ng hiyaw para sa pakikipagdigma sa aking banal na bundok.

      Manginig ang lahat ng nakatira sa lupain,*

      Dahil darating ang araw ni Jehova!+ Malapit na ito!

  • Joel 2:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Lalakasan ni Jehova ang boses niya sa harap ng hukbo niya,+ dahil napakalaki nito.+

      Dahil ang isa na tumutupad sa salita Niya ay makapangyarihan;

      Dakila at talagang kamangha-mangha ang araw ni Jehova.+

      Sino ang makatatagal dito?”+

  • Zefanias 1:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Ang araw na iyon ay araw ng galit,+

      Araw ng kapighatian at ng pagdurusa,+

      Araw ng bagyo at ng pagkatiwangwang,

      Araw ng kadiliman at matinding karimlan,+

      Araw ng makapal at maitim na ulap,+

  • 2 Pedro 3:11, 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Dahil ang lahat ng bagay na ito ay matutunaw sa ganitong paraan, pag-isipan ninyo kung anong uri ng pagkatao ang dapat na taglay ninyo—may banal na paggawi at mga gawa ng makadiyos na debosyon, 12 habang hinihintay ninyo at isinasaisip* ang pagdating* ng araw ni Jehova,*+ kung kailan ang langit ay wawasakin+ sa apoy at ang mga elemento ay matutunaw sa matinding init!

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share