Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 32:43
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 43 Matuwa kayo, mga bansa, kasama ang bayan niya,+

      Dahil ipaghihiganti niya ang dugo ng mga lingkod niya,+

      At maghihiganti siya sa mga kalaban niya+

      At magbabayad-sala para sa* lupa ng bayan niya.”

  • Roma 12:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Huwag ninyong ipaghiganti ang inyong sarili, mga minamahal, kundi bigyang-daan ninyo ang poot;*+ dahil nasusulat: “‘Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti,’ sabi ni Jehova.”*+

  • Apocalipsis 6:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Nang buksan niya ang ikalimang tatak, nakita ko sa ilalim ng altar+ ang dugo+ ng mga pinatay dahil sa salita ng Diyos at dahil sa patotoong ibinigay nila.+ 10 Sumigaw sila nang malakas: “O Kataas-taasang* Panginoon, na banal at totoo,+ hanggang kailan ka magpipigil sa paghatol at paghihiganti sa mga nakatira sa lupa para sa aming dugo?”+

  • Apocalipsis 19:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Pagkatapos nito ay narinig ko ang isang malakas na tinig na gaya ng tinig ng isang malaking pulutong sa langit. Sinabi nila: “Purihin si Jah!*+ Ang kaligtasan at ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan ay sa ating Diyos, 2 dahil ang mga hatol niya ay totoo at matuwid.+ Dahil naglapat siya ng hatol sa maimpluwensiyang babaeng bayaran na nagpasamâ sa lupa dahil sa seksuwal na imoralidad* nito, at ipinaghiganti niya ang dugo ng mga alipin niya na nasa kamay nito.”*+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share