-
Apocalipsis 13:15-17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 At pinahintulutan itong magbigay ng buhay* sa estatuwa ng mabangis na hayop, para ang estatuwa ng mabangis na hayop ay makapagsalita at maipapatay nito ang lahat ng ayaw sumamba sa estatuwa ng mabangis na hayop.
16 Pinipilit nito ang lahat ng tao—ang mga hamak at ang mga dakila, ang mayayaman at ang mahihirap, ang malaya at ang mga alipin—na magpalagay ng marka sa kanang kamay nila o sa noo nila,+ 17 para walang sinumang makabili o makapagtinda maliban sa tao na may marka, ang pangalan+ ng mabangis na hayop o ang numero ng pangalan nito.+
-