37 Sa huling araw ng kapistahan,+ ang pinakaimportanteng araw, tumayo si Jesus at sinabi niya: “Kung ang sinuman ay nauuhaw, pumunta siya sa akin para uminom.+
17 dahil ang Kordero,+ na nasa gitna ng trono, ay magpapastol sa kanila+ at aakay sa kanila sa mga bukal ng tubig ng buhay.+ At papahirin ng Diyos ang bawat luha sa mga mata nila.”+
6 At sinabi niya sa akin: “Naganap na ang mga iyon! Ako ang Alpha at ang Omega,* ang pasimula at ang wakas.+ Ang sinumang nauuhaw ay bibigyan ko ng tubig mula sa bukal ng tubig ng buhay nang walang bayad.+