Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 33:13-17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Sinabi niya tungkol kay Jose:+

      “Pagpalain nawa ni Jehova ang lupain niya+

      Ng mabubuting bagay ng langit,

      Ng hamog at ng tubig mula sa mga bukal,+

      14 Ng mabubuting bagay na tumutubo dahil sa araw

      At ng magandang ani buwan-buwan,+

      15 Ng mabubuting bagay mula sa sinaunang mga bundok*+

      At ng mabubuting bagay mula sa matatagal nang burol,

      16 Ng mabubuting bagay ng lupa at lahat ng narito,+

      At ng pagsang-ayon ng Isa na nanirahan sa palumpong.+

      Mapunta nawa kay Jose ang mga ito,

      Sa tuktok ng ulo niya, na pinili mula sa mga kapatid niya.+

      17 Ang kaluwalhatian niya ay gaya ng sa panganay na toro,

      At ang mga sungay niya ay mga sungay ng torong-gubat.

      Gamit ang mga iyon, ang mga bayan ay itutulak* niya

      Nang sama-sama hanggang sa mga dulo ng lupa.

      Sila ang sampu-sampung libo ni Efraim,+

      At sila ang libo-libo ni Manases.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share