15Pagkatapos nito, ang salita ni Jehova ay dumating kay Abram sa isang pangitain, na nagsasabi: “Huwag kang matakot,+ Abram. Ako ay kalasag para sa iyo.+ Napakalaki ng magiging gantimpala mo.”+
5 Dinala Niya siya ngayon sa labas at sinabi: “Pakisuyo, tumingin ka sa langit at bilangin mo ang mga bituin, kung mabibilang mo nga iyon.” Pagkatapos, sinabi Niya: “Magiging ganiyan karami ang mga supling* mo.”+
7 At ang mga Israelita ay naging palaanakin at dumami nang husto, at tuloy-tuloy ang napakabilis na pagdami nila at paglakas, kaya napuno nila ang lupain.+
12 Dahil dito, nagmula sa isang lalaki, na para na ring patay,+ ang mga anak+ na kasindami ng mga bituin sa langit at hindi mabilang na gaya ng buhangin sa tabing-dagat.+