-
Awit 105:8-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
8 Naaalaala niya ang kaniyang tipan magpakailanman,+
Ang ipinangako* niya, hanggang sa sanlibong henerasyon,+
9 Ang tipan niya kay Abraham,+
At ang panata niya kay Isaac,+
10 Na pinagtibay niya kay Jacob,
At ibinigay niya bilang walang-hanggang tipan kay Israel.
11 Sinabi niya, “Ibibigay ko sa iyo ang lupain ng Canaan+
Bilang inyong mana.”+
-