-
Genesis 11:5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Pagkatapos, bumaba si Jehova para tingnan ang lunsod at ang tore na itinayo ng mga anak ng tao.
-
-
Exodo 3:7, 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
7 Idinagdag ni Jehova: “Nakita ko ang paghihirap ng bayan ko na nasa Ehipto, at narinig ko ang pagdaing nila dahil sa mga nagpapatrabaho sa kanila nang puwersahan; alam na alam ko ang hirap na dinaranas nila.+ 8 Bababa ako para iligtas sila mula sa kamay ng mga Ehipsiyo+ at para ilabas sila sa lupaing iyon at dalhin sa isang lupaing mataba at maluwang, isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan,+ ang teritoryo ng mga Canaanita, Hiteo, Amorita, Perizita, Hivita, at Jebusita.+
-